|
tinini
|
read my profile
sign my guestbook
Name: Justine Katherine Location: Philippines Birthday: 9/11/1989 Gender: Female
Interests: CoMeDy SHowS, wrestling (kinda)., orange stuff, Basketball (SIXERS), volleyball, music, NEOPETS Occupation: Student Industry: Other
Message: message meEmail: email me Yahoo: jk_tintz@yahoo.com
Member Since:
8/8/2004
|
|
SubscriptionsSites I Read
|
|
|
|
| Ganun, kelan kala mo masaya ka na, ganung bigla kang bababa mula sa ere, akala mo matayog na masyado ang lipad mo, bigla kang babagsak na lng bigla. Pagod na ko sa buhay na to, minsan naiisip ko na lamang na mawala na lang ako sa mundong aking kinatatayuan, para man lang mapansin nila ako.. pra man lang maalala nila na may isang "tintin" man lang sa buhay nila.. pra mabgyan ka man lng ng importansya.. Sana makatulog na lang ako ng habang buhay, at ang kaluluwa ko ay mapapanood ang mga ngyayari sa mundong ibabaw.. para man lang makita ko o madama ko na may nagmamahal saken.. Na ang mga taong nasa paligid ko ay nanjan dahil nagmamahal, hindi lang dahil may ibibigay ka sa kanila o makakasama ka lang...Sana ganun na lang. Pinagmamasdan ko na lamang ang aking "stuffed toy" na mula sa kaibigan kong si Nely... Na may nakatatak na "I love you"... Mahigpit ko na lamang na niyayakap ang laruan ito para malinlang ang aking sarili na may nagmamahal saken. Siguro nga isa akong dakilang hangal na nageexpect masyado sa mga tao... ganun lang talaga ako katanga.. sobrang katangahan lang... Maraming nakalimot... maraming di nakaalala.. parang naging isang drawing ka na lang sa paningin nila.. Naging isang larawang kumupas na... Na parang ngaun wala ng saysay.
| | |
| Naniniwala ka ba na may mga bagay talaga na di matakasan. Na kahit anong pilit mo at kahit anong layo mo, bumabalik balik parin sayo. Nung unang lumapag ako sa bansang di ko naman nakasanayan o minsan ko lang nasilayan. Nasabi ko sa sarili ko na, madali lang makalimot ng kung ano ang nasa nakaraan. Pero sabi nga nila, ang nakaraan daw ay kadugtong ng kinabukasan. Di ko mawari sa aking pag iisip, at di ko maalis na naiisip ko parin ang mga kaibigan ko sa lupang aking sinilangan. Noong araw ng aming pagtatapos, di ko man lang nailabas ang lahat ng gusto kong ipahiwatig sa aking mga kaibigan. Di ko man lang sila nayakap ng mahigpit na mahigpit at sabihing “magkikita tayo muli”. Pero di ko man lang nagawa. Naisip ko agad na madali silang mabubura sa isipan ko sa oras na makadating ako dito. Pero lahat mali, lahat ng prediksyon at plano ko sa buhay ko ay naging mistulang huwad na ngayon sa pag iisip ko. Noong nasa Pinas pa ko, marami akong natanggap na liham mula sa aking mga kaibigan at sa mga taong di mo aakalaing magbibigay at makakaalala. Habang hinihinatay namin ang eroplanong maglalagak sa amin sa mundong lingid sa aking pagkatao,lahat ng letrang iyon ay aking binasa at sinuri. Panundyo na tinatawanan ako ng aking mga kapatid dahil sa nangingilid ng mga luha sa aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang malungkot sa oras na iyon. Nasa huli nga ang pagsisisi. Ngayon, miminsan ko na lamang hinahalikwat ang mga gamit ko mula sa Pilipinas, isang silay ko lang sa litrato, liham at kung ano ano pang mga bagay na magpapaalala sa akin ng tungkol sa Pilipinas, ako’y napapatigil sa isang sulok at nagumumuni muni ng mga bagay na maghahatid lamang ng kalungkutan. ITUTULOY..... | | |
|
Tingnan mo sila ngumiti, tingnan mo sila tumatawa. Nagsasaya, sumasabay sa indayog ng kapaligiran. Pero bakit ang taong iyon, nagmukmok sa isang tabi na animo’y walang buhay. Bakit sya nag iisa, bakit walang kaagapay. Pero bakit may ngiti paring bumabalot sa kanyang mga mukha. Bakit araw araw ang taong ito ay laging namamayagpag sa lugar kung saan umaagos ang buhay ng katauhan. Bakit animo’y laging nagmamasid sa tubig na parang may iniintay? Naghahanap ba sya ng isdang mahirap huliin? O baka tinitingnan lang ang repleksyon na sumisimbolo ng kanyang katauhan… Bakit sya nakangiti… baka sya nagmumuni sa mundong wala namang katuturan???
| | |
| Sabado..Linggo Oras kung kelan makakapaglinis ng kwartong animo;y gubat na. Habang na aayos ako ng aking mga gamit, isa isa kong pinagmamasdan ang aking mga gamit na dala dala ko pa mula sa Pilipinas. Napapatawa, napapaiyak ako habang tintingnan ko ang mga ito. Nakikita ko ang mga litrato at alaala ng masasayang arawng ako'y namamayagpag pa sa lupang aking sinilangan. Natatawa ako sa litrato namin ng mga kabarkada ko, kung pano kami pumwesto, kung gano kasama ang mga mukha namin habang hinuhulma namin ito na parang mga unggoy at kung ano ano pa.. May nakabelat, may nakangisi, may nakapikit, may nasisilaw sa araw, may nakatalikod, may nakatingin sa ibang direksyon, may nakatawa na kitang kita na ang gilagid, may nakaotso otsong pwesto, may tatakbo pa lang para sumama sa picturan at marami pang iba... Ang napagtuunang ko lang ng pansin ay yung mga litrato may mga taong naiyak.. Nakangiti pero may mga luhang tumutulo sa kanilang mga mata, umaagos ang mainit na tubig sa kanilang mga pisngi... Araw ng pagtatapos... Ang gaganda ng pose namin, para kaming mga modelo... Napapatawa ako at napapaiyak habang tinitingnan ko ang mga larawang ito. Sabi ko sa sarili ko, di ko dapat sila alalahanin, kasi lahat kami iba iba din naman ang pupuntahang direksyon sa buhay... Pero di mo pala yun matatakasan, dahil kahit anong paglayo mo sa usapang iyon, lalo itong bumabalik sayo... Bakit? habang nandito ako, nakikita ko ang mga nangayayari, nakakapanibago... Habang naglalakad na ko sa bagong eskwelahang aking pinapasukan, habang pinagmamasdan ko ang mga tao sa aking paligid... lahat sila parang sketch na di mo maaninaw kung anong gustong ipahiwatig... Parang babago bago akong napasok, parang isang kinder na naghahanap ng makakasama... Pero kahit ganon, masaya na ko ngayon dahil may nakilala akong mga Pilipino dito, kahit hindi sila yung mga nakasama ko sa loob ng labing anim na taon ng buhay ko. Natutuwa ako, na nalulungkot...Alam ko, makakaya ko to... Si tinini parin ito, kahit lumipas ang maraming panahon........ matatag, determinado at laging masayahin ^_^ | | |
| 
Para sa mga taong walang magawa sa buhay ^_^
| | |
|